Bob Ong Quotes

 

 

1. Nalaman kong hindi pala exam na may assing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
- Bob Ong

2. Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.
- Bob Ong

3. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
- Bob Ong

4. Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
- Bob Ong

5. Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
- Bob Ong

6. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkarron ng lahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
- Bob Ong

7. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala
- Bob Ong

8. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
- Bob Ong

9. Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
- Bob Ong

10. Ayokong nasasanay sa mga bagay na pede namang mawala sa buhay ko.
- Bob Ong

11. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
- Bob Ong

12. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
- Bob Ong

13. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
- Bob Ong

14. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
- Bob Ong

15. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
- Bob Ong

16. Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
- Bob Ong

17. Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
- Bob Ong

18. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?
- Bob Ong

19. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
- Bob Ong

20. Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
- Bob Ong

21. Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.
- Bob Ong

22. Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
- Bob Ong

23. Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?
- Bob Ong

24. Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko.
-Bob Ong

25. Kahit ikaw ay parang batong manhid at walang pakiramdam, magingat- ingat ka naman dahil kahit ganyan ka hindi nasasaktan kaya mo namang makasakit.
-Bob Ong

26. Kung di mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
- Bob Ong

27. Wag kang matuwa sa mga bagay na nakikita mo sa ngayon. Lahat iyan ay panandalian lamang at anumang sandali ay maaaring mawala.
- Bob Ong

28. Sa kolehiyo, maraming impluwensiya ang makikita. Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya. Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daang tatahakin mo.
- Bob Ong

29. Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso angtenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
-Bob Ong

30. Wag mawawalan ng gana sa buhay. Kung ano yung galling mo, kulit mo, lakas ng sigaw at tuwa mo sa mga laban ng UAAP, NCAA, mga sports fest o concert ng paborito mong banda, wag mong iwawala hanggang sa pagtanda. Wag kang tutulad sa ilang kongresista na nagre- report sa trabaho para lang matulog.
- Bob Ong

31. Kung gusto mong maging musikero, sige lang. Pintor, ayos! Inhinyero, the best! Kung gusto mo maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng estudyante mo. Kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. Kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. Kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay naming para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
- Bob Ong

32. Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto nya ng pera o gusto nyang sumikat o gusto nya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan sya ng Diyos ng kakayahang mangarao at tumupad nito. Tungkulin nyang pagbutihin ang pagkatao nya at mag –ambag ng tulong sa mundo. At wala na siyang iba pang magagawang mas malaking kasalanan bukod sa talikuran ang tungkuling iyon at hindi bumili ng libro ko.
- Bob Ong

33. Pero tanging ang utak lang ng tao- sa buong kalawakan- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
-Bob Ong

34. Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
-Bob Ong

35. Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.
-Bob Ong

36. Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
-Bob Ong

37. Minsan, kailangang ituro ng mnundo sa’yo ang tama sa paraang masasaktan ka para matandaan mo.
-Bob Ong

38. Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila.
-Bob Ong

39. Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.
-Bob Ong

40. Minsan kelangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.
- Bob Ong

41. Hiwalayan mo na kung hindi ka masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
- Bob Ong

42. Sumama ka sa mabuti hindi sa mabait. Sumama ka sa marunong hindi sa matalino. Sumama ka sa mahal ka hindi sa gusto ko.
- Bob Ong

43. Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
-Bob Ong

44. …ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…
-Bob Ong

45. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.
-Bob Ong

46. Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.
-Bob Ong

47. Tipong pag sinabihan ka ng sorry, pwedeng sumama pa ang loob mo. Pero pag sinabihan ka na ng SUPER SORRY, naku - bawal na magtampo! Kasi super na yan.
-Bob Ong

48. Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.
-Bob Ong

49. Hell ang high school. Cool.
-Bob Ong

50. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.
-Bob Ong

 

51. Masuwerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e ay dumadaan sa kamusmusan.
-Bob Ong

52. Hindi ako takot na malaman ang pananaw nila, dahi sa huli opinyon ko rin naman ang masusunod.
-Bob Ong

53. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
-Bob Ong

54. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
-Bob Ong

55. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran sila? Kailangan nila libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN nila.
-Bob Ong

56. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
-Bob Ong

57. Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
-Bob Ong

58. Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
-Bob Ong

59. Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
-Bob Ong

60. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
-Bob Ong

61. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
-Bob Ong

62. Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
-Bob Ong

63. Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.
-Bob Ong

64. Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
-Bob Ong

65. Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.
-Bob Ong

66. Ang pag-ibig parang imburnal. Nakakatakot mahulog at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.
-Bob Ong

67. Wala namang masama sa pangingibang-bayan. Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y papalubog na. Basta't wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao.
-Bob Ong

68. Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.
-Bob Ong

69. Muntik akong madisgrasya paglabas ng eskwelahan. wala ako sa sarili. doon ko lang nalaman na ganon pala ang college. Gaguhan.
-Bob Ong

70. Mas madali pang ulitin ang isang subject kesa maghunting ng teacher para magcompletion.
-Bob Ong

71. Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.
-Bob Ong

72. Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
-Bob Ong

73. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.
-Bob Ong

74. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?
-Bob Ong

75. Paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.
-Bob Ong

76. Parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka.
-Bob Ong

77. Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. Nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang gawin kesa sa nakalista sa resume' nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo.
-Bob Ong

78. Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya daang taon.
-Bob Ong

78. Handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?
-Bob Ong

79. Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas.
-Bob Ong

80. Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.
-Bob Ong